Saturday, 21 September 2013

Bousted



NELLIE BOUSTED

Isang babaeng maganda, matalino, mahinahon, may mataas na moralidad at totoong Filipina. May dalawang dahilan kung bakit hindi niyaya ni Rizal si Nellie na magpakasal:
  Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal.
  Ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong protestantismo na gusto naman ni Nellie


Ang Kondisyong Inilatag ni Nelly 

Protestante si Nelly. Nangako siyang maghihintay hanggang handa na si Rizal na hingin ang kamay niya sa kanyang mga magulang, pero sa isang kondisyon: ‘yakapin niya ang Kristiyanismo ayon sa aking pagkaunawa at kung paano ito dapat maunawaan ng lahat ng hindi makagagawa ng mabuti kung wala ang Kanyang tulong at Kanyang grasya.’ 

Bago siya umalis ng Biarritz, ipinaalam na ni Rizal kay Eduardo Boustead ang kanyang mga intensyon. Malinaw na nagsabi ang amang bibigyan sila ng suporta, o sisiguraduhing maalwan ang buhay nila. Ito na marahil ang pinakamahusay na prospek ng yamang nakaharap ni Rizal. 

Ngunit pagkaalis niya ng Biarritz, dinagil-dagil na siya ng mga pagdududa. Sa isang liham kay Nelly mula Paris, pinag-aalinlanganan niya ang katapatan ng kanyang pangakong maghihintay ito, dahil sa kondisyong ipinataw nito sa kanya. Gitlang-gitla si Nelly sa pagkasabing ito ni Rizal, pero handa pa siyang pakasal dito. Nalungkot siya sa pasaring na pinapangako niya si Rizal dahil lang sa kapritso, kaya natanto niyang kailangan na niyang tiyakin ang lahat. Tanong niya kay Rizal: 

Pumapayag ka na ba? Dahil hindi ko na hihinging sulatan mo ako simula ngayon, bibigyan pa kita ng isang pagkakataon, kung tatanggapin mo. Isipin mong mabuti ang kondisyong ipinataw ko at ipapataw kong palagi sa iyo. Kung makukumbinse ka, pumarine ka nang gayon at mag-usap tayong masinsinan. Sa ganitong paraan walang di-pagkakaunawaan.

Nagpatuloy ang pagsusulatan, subalit ayaw bumigay ni Rizal. Kung tutuusin isa na iyong mahinahong paghihiwalay ng magkaibigan. Mga katangiang hinahangaan ni Rizal sa kababaihan ang katatagan at katapatan, kapwa nagsasaad ng determinasyon. Ngunit hindi siya taong madaling magpadala sa determinasyon kung hindi ito kapareho ng kanyang direksyon. Magkatuwang ang mga katangian nila ni Nelly Boustead, subalit mahuhulong magkakahirapan kung sila ang magkakatuluyan. Alam ni Rizal na mas Katoliko siya kayasa sa pagkabasa ni Nelly, ipinamalas niya kalaunan sa isang sulat kay Pastells, kung saan tinuran niya ang pangyayaring ito nang hindi bumabanggit ng pangalan: 

Tungkol sa pagiging Protestante---kung alam lang ng Inyong Reverensya kung ano ang aking nawala sa hindi pag-ayon sa mga ideyang Protestante, hindi niya ako pagsasabihan ng ganoon. Kung hindi ko palaging iginagalang ang ideya ng relihiyon, kung tinuring ko lang ang relihiyon, para sa akin, bilang isang agham ng kaginhawaan o isang pakana para mapabuti ang aking sarili sa buhay, sa halip na kawawang ipinatapon, disin sana’y mayaman na ako, malaya, at nakikita ang sariling natatabunan ng karangalan. 
-Jose Rizal, Dapitan


No comments:

Post a Comment