Mr. Suave ng Calamba
Saturday, 21 September 2013
Bracken
JOSEPHINE BRACKEN
Ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876. ang kanyang mga magulang ay sina James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish. ngunit namatay ang ina nya sa panganganak kaya't inalagaan siya ni Ginoong George Taufer. Inilarawan ni Rizal si Bracken bilang isang babaeng irish na 18 taong gulang, may gintong buhok, asul na mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang dalawa na magpakasal subalit nalaman ito ni Ginoong Taufer, dahil sa pagaakalang iiwan ni Josephine ay nagbanta siyang magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik din si Bracken sa Dapitan upang magpakasal kay rizal. Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach kaya't sila'y naghawak kamay at ikinasal ang kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang kanilang anak na walong buwan pa lamang. Ito ay pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago mamatay si rizal, binigay niya muna ang librong imitation Of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine 2 taon matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.
Inilahad din ni Josephine ang isang umanong regalo ni Rizal sa kanya sa kanilang kasal. Ang naturang handog ay isang aklat ni Kempis na nagtataglay ng mga sumusunod na kataga: “ To my dear and unhappy wife, Josephine, 30th December 1896…” Binigyang-diin din nito na ang huling hiling sa kanya ng bayani ay ayusin ang bangkay at libingan nito na siya ring inihabilin ni Rizal sa kanyang kapatid na si Trining. Sinabi rin nito na may iniwan na liham sa kanya si Rizal na matatagpuan sa piitan nito sa loob ng lampara at sa sapatos ng huli. Ang naturang liham ay ang Mi Ultimo Adios na ayon kay Josephine ay ang huling habilin at mensahe sa kanya ng kanyang kabiyak.
"Mi Ultimo Adios"
PAHIMAKAS ni Dr. Jose Rizal
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.
Saan man mautas ay dikailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.
Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa silinganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabong at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw
Ang aking adhika sapul magkaisip
ng kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.
Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.
Sa kabuhayang ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan.
Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring itapat,
sa kaluluwa ko hatik ay igawad.
At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang iwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.
Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng boong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sino man sa katotang giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagka himbing.
Idalanging lahat yaong nangamatay,
mangagatiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.
Ang mga bao't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.
At kung an madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwagay huwag gambalain;
kaipala'y maringig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y mag saliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitin.
Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat
at wala ng kurus at batang mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kauyang ikalat.
At mga buto ko ay bago matunaw
maowi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.
Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dingig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugang ko pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang dooy haring lubos.
Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.
Pag pasasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!
-Sa salin ni Andres Bonifacio-
Matapos ang pagbitay kay Rizal, napilitan ding tumakas mula Cavite sina Josephine Bracken at magkapatid na Trinidad at Paciano Rizal, tumawid ng bunduking Maragondon papuntang Laguna de Bay gayung duguan na ang mga paa ng nakayapak na Josephine. Tinulungan silang makapuslit sa Manila ni Venancio Cueto, isang pinuno ng Katipunan, at naisakay si Josephine sa isang barko papuntang Hongkong. Duon namalagi ang biyuda ni Rizal hanggang Deciembre 15, 1898, nang napangasawa niya ang isang Pilipinong nagkakalakal, si Vicente Abad. Bumalik ang mag-asawa sa Manila, kasama ang anak nila, si Dolores. Nagturo ng English si Josephine, at isa sa mga naturuan niya ang binatang taga-Cebu, si Sergio Osmena, bayani ng Pilipinas nuong panahon ng Amerikano. Tahimik na yumao si Josephine, ang dayuhang giliw ni Rizal, nuong Marso 15, 1902, ng tuberculosis sa lalamunan. Nalibing siya sa Happy Valley cemetery sa Hongkong. Lumaki at nakapag-asawa si Dolores at nag-iwan ng mga anak na apelyido ay Mina. Gaya ng ama, si Vicente Abad, ipinilit niya hanggang sa kahuli-hulihan, na anak siya ni Abad, hindi ni Rizal.
Bousted
NELLIE BOUSTED
Isang babaeng maganda, matalino, mahinahon, may mataas na moralidad at totoong Filipina. May dalawang dahilan kung bakit hindi niyaya ni Rizal si Nellie na magpakasal:
Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal.
Ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong protestantismo na gusto naman ni Nellie
Ang Kondisyong Inilatag ni Nelly
Protestante si Nelly. Nangako siyang maghihintay hanggang handa na si Rizal na hingin ang kamay niya sa kanyang mga magulang, pero sa isang kondisyon: ‘yakapin niya ang Kristiyanismo ayon sa aking pagkaunawa at kung paano ito dapat maunawaan ng lahat ng hindi makagagawa ng mabuti kung wala ang Kanyang tulong at Kanyang grasya.’
Bago siya umalis ng Biarritz, ipinaalam na ni Rizal kay Eduardo Boustead ang kanyang mga intensyon. Malinaw na nagsabi ang amang bibigyan sila ng suporta, o sisiguraduhing maalwan ang buhay nila. Ito na marahil ang pinakamahusay na prospek ng yamang nakaharap ni Rizal.
Ngunit pagkaalis niya ng Biarritz, dinagil-dagil na siya ng mga pagdududa. Sa isang liham kay Nelly mula Paris, pinag-aalinlanganan niya ang katapatan ng kanyang pangakong maghihintay ito, dahil sa kondisyong ipinataw nito sa kanya. Gitlang-gitla si Nelly sa pagkasabing ito ni Rizal, pero handa pa siyang pakasal dito. Nalungkot siya sa pasaring na pinapangako niya si Rizal dahil lang sa kapritso, kaya natanto niyang kailangan na niyang tiyakin ang lahat. Tanong niya kay Rizal:
Pumapayag ka na ba? Dahil hindi ko na hihinging sulatan mo ako simula ngayon, bibigyan pa kita ng isang pagkakataon, kung tatanggapin mo. Isipin mong mabuti ang kondisyong ipinataw ko at ipapataw kong palagi sa iyo. Kung makukumbinse ka, pumarine ka nang gayon at mag-usap tayong masinsinan. Sa ganitong paraan walang di-pagkakaunawaan.
Nagpatuloy ang pagsusulatan, subalit ayaw bumigay ni Rizal. Kung tutuusin isa na iyong mahinahong paghihiwalay ng magkaibigan. Mga katangiang hinahangaan ni Rizal sa kababaihan ang katatagan at katapatan, kapwa nagsasaad ng determinasyon. Ngunit hindi siya taong madaling magpadala sa determinasyon kung hindi ito kapareho ng kanyang direksyon. Magkatuwang ang mga katangian nila ni Nelly Boustead, subalit mahuhulong magkakahirapan kung sila ang magkakatuluyan. Alam ni Rizal na mas Katoliko siya kayasa sa pagkabasa ni Nelly, ipinamalas niya kalaunan sa isang sulat kay Pastells, kung saan tinuran niya ang pangyayaring ito nang hindi bumabanggit ng pangalan:
Tungkol sa pagiging Protestante---kung alam lang ng Inyong Reverensya kung ano ang aking nawala sa hindi pag-ayon sa mga ideyang Protestante, hindi niya ako pagsasabihan ng ganoon. Kung hindi ko palaging iginagalang ang ideya ng relihiyon, kung tinuring ko lang ang relihiyon, para sa akin, bilang isang agham ng kaginhawaan o isang pakana para mapabuti ang aking sarili sa buhay, sa halip na kawawang ipinatapon, disin sana’y mayaman na ako, malaya, at nakikita ang sariling natatabunan ng karangalan.
-Jose Rizal, Dapitan
Jacobe
SUSANNE JACOBE
Noong 1890, si Rizal ay nagpunta sa Brussels, Belgium dahil sa mataas ang “cost of living” sa Paris, France.
Doon sa Brussels, tumira si Rizal sa isang boarding house ng magkapatid na babaeng Jacoby. At habang lumipas ang panahon, si Rizal at si Suzanne ay nag-ibigan. Hindi nagtagal at umalis na si Rizal sa Brussels para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay. Umiyak si Suzanne dahil sa pag-alis ni Rizal, pero nagpatuloy pa ring sumulat kay Rizal, kahit na hindi na sinasagot ang kanyang mga sulat. Sa mga sulat ni Suzanne, sobrang umaasa siya na babalikan pa siya ni Rizal at nanabik sa kanyang pagbabalik.
Ang iskalptyur ni Suzanne, na ginawa ni Rizal, ay ipinadala ni Rizal kay Valentin Ventura.
Gertrude
GERTRUDE BECKETT
Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay na tinirhan ni Rizal nang magtungo siya sa London. Inilarawan ni Rizal si Beckett bilang babaeng may kulay brown na buhok, asul na mata at mapupulang pisngi. HIndi rin nagtagal at umalis siya sa London upang makalimutan na siya ni Beckett at ipagpatuloy ang misyon a Maynila.
Sa paglipas ng mga buwan, medyo nagiging mairugin itong si Gertrude Beckett (o Tottie), panganay sa mga babae, tungkol sa kanya; at noong magpaPasko, nagsimula siyang tumugon. Walang nakakaalam sa pamilya, umunlad ang isang uri ng lambingan o unawaan, para bang dumako na sa puntong wala nang balikan, tuloy-tuloy na---kung malalaman lang ng ama at ina ng babae.
At bigla alam kaagad ni Rizal na kailangan na siyang umalis. Hindi niya posibleng mapakasalan ang babae; hahadlang lang ito sa kanyang gawain at tungkulin para sa Pilipinas. At saka, nakapangako siya kay Leonor. Ang alternativ---pagkapikot, at malapit na nga sa ganoon---hindi niya maubos-maisip. Naghiwalay silang magkaibigan, at sa ilang panahon ay nagsulatan tungkol sa mga simpleng bagay. Ang mga pangyayaring ito ay naganap sa panahong wala siyang balita tungkol kay Leonor Rivera.
Hindi mo marahil naiisip na malupit ako o makakalimutin sa hindi pagsagot
sa sulat mo dati, pero talagang naghihintay lang kaming makabalita mula sa iyo,
hindi alam kung maayos mo ngang natanggap ang mga liham, o baka hindi iyon
ang tamang adres, lipat ka kasi nang lipat; nakakatuwa ka talaga, e ano kaya kung
sumama ako sa iyo, edi mayroon na tayo dapat na isang maliit na kuwarto at hindi
na namomroblema.
Nagaalala ka ba na hindi mo natanggap ang una kong sulat sa iyo? Bumalik
sa akin noong isang araw iyon matapos ang matagal na panahon, di ba kataka-taka
sapagkat sinulat ko agad iyon pagkaalis na pagkaalis mo, para mataggap mo kinabukasan?
Oh, napakamiserable ko noon; hindi ko maiwasang sumulat sa iyo, sabagay wala
namang nakakaalm na iba. Maraming salamat sa pagpapadala ng magasin tungkol sa
fashion pero wala namang magagandang damit doon, ni wala sa kalahating ganda ng
English fashion namin. Tinaggap ba nila ang mga bustong ginawa natin? Aba, siyempre,
ang galing mo yatang gumawa, hindi nila pwedeng tanggihan…
Seiko
SEIKO USUI
Si Seiko ay 23, si Rizal naman ay 27. Nagsimula ang pag-iibigan nila nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si Seiko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang pranses at ingles. Doon na sana titira sa Japan si Rizal ngunit mas nanaig ang misyon niya na na pagpapalaya sa Pilipinas. Taong 1897 matapos mamatay ni rizal ay nagpakasal si Seiko kay Alfred Charlton, isang British guro ng chemistry.Namatay si Seiko noong May 1, 1947.
Makikita ang napakalaking pagtingin at paghanga ni Rizal kay O Sei San sa kanyang talaarawan:
"Itatalaga ko sa iyo ang huling kabanata ng mga alaalang ito, ng una kong pagbibinata. Walang babeng dadaig sa iyo sa pag-ibig sa akin, walang babaeng tutulad sa iyo sa pagpapakasakit. Gaya ng bulaklak ng chodji, napipitas sa tangkay na sariwa't buo at hindi nalalagas ang mga talulot at hindi nalalanta at may tulain kahit pagkatapos na mapitas, at ganoon din ang pagkapitas sa iyo. Hindi ka nawalan ng kalinisan ni hindi nalanta ang mga maseselang talulot ng iyong kawalang-malay. Sayonara! Sayonara!..."
Si Rizal, 26 anyos noong panahong iyon, ay mamumuhay na sana nang payapa at pakakasal na sa matalino at magandang si O Sei San sa Japan kung wala lamang siyang misyon noon. Sinasabing inalok rin ng emisaryo ng EspaƱa sa Japan si Rizal ng magandang trabaho doon.
Ortega
CONSUELO ORTEGA Y REY
Si RIzal ay hindi naman kagandahang lalaki ngunit nagtataglay ng maraming talento kaya't nagustuhan siya ng magandang anak ni Don Pablo sa Madrid na si Consuelo. may dalawang dahilan kung bakit umayaw si Rizal sa relasyon nila:
May kasunduan na sila ni Leonor.
Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si Eduardo de Lete ay may gusto din kay Consuelo.
Subscribe to:
Posts (Atom)