SEGUNDA KATIGBAK
Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang dalagitang taga-Lipa, Batangas. nakilala ni Rizal ang dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang lola noong buwan ng disyembre 1877, sampung buwan matapos makilala nya si Julia. Inilarawan ni Rizal si Segunda na may mahabang buhok, matang nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang pagkakataon, malarosas na kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti, magagandang ngipin at may kilos na malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan ni Rizal na iguhit niya ang larawan ni Segunda na kanya namang pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na pag-iibigan. Pinigilan ni Rizal ang sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid niya na naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz, subali't nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw dito.
Naitala ni Rizal ang isang nakatutuwang kuwento ukol sa nangyari "sa gitna ng Abril at Disyembre 1877", at ito'y nagbibigay sa atin ng ilang sulyap sa kanyang pilyong puso. Ito'y pagsasalaysay ng kanyang unang pag-ibig sa edad na labing-anim (hindi ba't lahat naman tayo'y nakaranas ng "puppy love"?) ngunit isinulat niya ito noong siya'y labing-siyam na. Isang pang-uuyam sa sarili:
Isang Huwebes, inimbita ako ng aking kaibigang si Mariano, na kapatid ni Miss Katigbak, na bisitahin ang aming mga kapatid sa Kolehiyo ng Konkordiya. Nakipagkita kami sa kanyang kapatid sa sala. Kami'y kaniyang binati at tinanong kung nais ko bang tawagin niya ang kapatid kong si olimpia. Umoo ako, at nagtungo siya, napakagaan ng hakbang at may magandang bikas na hindi ko pa man nakita sa kahit na sino. Maya-maya, nang dumating sila, bumuo sila ng maliit na bilog.
Tinanong niya ako kung anong bulaklak ang paborito ko. Sinabi kong gusto ko naman lahat, ngunit pinakagusto ko ang puti at itim na bulaklak; sinabi niyang gusto niya ang mga puti at mga rosas, at bigla siyang nagseryoso.
"Mayroon ka bang kasintahan?", tinanong niya pagkatapos ng maikling sandali.
"Wala," sagot ko, "Hindi pa man ako nagkakaroon sapagkat wala namang pumapansin sa akin."
"Ikaw nama'y naloloko! Gusto mo bang hanapan kita?" tanong ng dalaga.
"Salamat, binibini" aniya ko, "Ngunit ayaw kong maabala ka pa."
Nangyaring kakaalam ko pa lang na ikakasal na siya sa Disyembre, kaya't tinanong ko siya:
"Babalik ka ba sa iyong bayan sa Disyembre?"
"Hindi," ang sagot niyang nayamot.
"Sabi nila'y magkakaroon ng malaking pagtitipon sa iyong bayan, isang pagtitipong ikaw ang bida, at hindi pwedeng magsimula nang wala ka."
"Hindi," ang pagtawa niya. "Kagustuhan lang ng aking mga magulang na magretiro na ako. Ngunit ayaw ko pa, gusto ko pang manatili sa kolehiyong ito nang lima pang taon."
Nagpatuloy kaming uminom ng napakatamis na alak ng pag-ibig sa aming pag-uusap. Ang kanyang mukha'y namangha-mangha sa ganda. Ang kanyang boses ay tila umaawit at inakala ko'y may salamangkang kasama ang kanyang bawat hakbang. Nabalot ang puso ko sa kalungkutan at nakaramdam ako ng mga emosyon na hindi ko pa man naramdaman dati.
Nawala siya't nagbalik na may dalang dalawang puting (artipisyal!) na rosas. Ang isa'y binigay niya kay Mariano, at ang isa'y sa akin; nilagay niya ito sa aking sombrero. Binigay ko ang larawan niyang iginuhit ko, at siya'y natuwa. Sinabi niyang ang rosas ay gawa ng kapatid ko; bagama't alam kong hindi totoo, kunwari'y pinaniwalaan ko. Umiwi ako't inalagaan ang rosas na itinuring kong simbolo ng aming artipisyal ring pag-ibig.
Sa susunod na pagkakataong nagkita kami, tinanong ko siya kung sino talaga ang gumawa ng mga rosas. Namula siya't inaming siya nga. Pinasalamatan ko siya at nangako akong aalagan ko ang rosas habang buhay.
"Naiisip mo ba kung gaano kasakit para sa akin ang mawala ka, pagkatapos kong makilala ka?"
"Ipalagay mong hindi ako ikakasal!" ang kanyang sagot at dalawang patak ng luha ang tumulo, tila isang santa.
Ngunit sinabi ko na sa puso kong huwag na siyang mahalin dahil siya'y nakatakda nang ikasal. Ginusto kong manatiling tahimik, at ayokong aminin ang aking pag-ibig.
Isang beses nagkasakit ang kaniyang kapatid at hindi namin siya nadalaw. Nagkita pa rin kami kinabukasan.
"Nagkasakit ka ba?" tanong niya.
"Oo," sumagot ako. "Pero ngayo'y magaling na ako."
"Oh," sagot niya. "Kagabi'y pinagdasal kita. Natakot akong may nangyari na sa iyo."
"Salamat." sabi ko. "Gugustuhin ko nang may sakit ako lagi, kung iyon ang magpapaalala sa akin sa iyo. Pati kamatayan ay gugustuhin ko, kung iyon ang maidudulot."
"Aba! Gusto mo na bang mamatay?"
Nang umuwi't nagpaalam na si Segunda, ito ang kaniyang naisulat:
Ah, iyon na ang pinakamalungkot na sandali ng aking buhay. Ang aking dila, kadalasang madaldal, ay namamanhid kapag ang aking puso'y nababasag sa emosyon.... Ah, ano bang katotohanan...ang sandaling oras ng aking unang pag-ibig ay nagwakas na. Bumalik ako sa aming bayan na parang lasing. Alam kong siya lamang ang babaeng magpapasiya sa aking puso, at sinabi ko sa sarili kong nawala na siya sa akin.
nakakalungkot :(
ReplyDeletevery informative !! katuwa talaga xD
ReplyDeletekalunos-lunos ang kanyang sinapit ....
ReplyDeleteBROKEN HEARTED :(
ReplyDeletemakakamove on din yan
ReplyDelete