Saturday, 21 September 2013

Rivera



LEONOR RIVERA

Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo ang landas ni Rizal at ni Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor. Ang pagmamahalan sa isa't isa ay naramdaman nila nang masugatan si RIzal sa isang pag-aaway ng mga estudyante sa UST at ito'y ginamot ni Leonor. Siya ay inilarawan na may maputing balat, alon-along buhok na mamula-mula, may maliit na bibig, may kalakihan at maitim na mata at mahahabang pilikmata, iong na may katamtamang tangos, ngiting binabagayan ng dalawang biloy sa mala-rosas na mga pisng, matamis na tinig na binabagayan ng kahali-halinang halakhak. Matagal nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping si leonor Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina. Namatay sa panganganak si Leonor Rivera noong Agosto, 28, 1893 ngunit may sinasabing namatay din siya dahil sa
 kalungkutan.


Ang Pag-ibig na Nabuo sa Pagsusulatan (1880-1882) 
Mula ng kanilang unang pagkikita, nanatili pa si Jose ng dalawang taon sa Maynila bago tumulak patungong Europa. Sa dalawang taong ito, alam na madalas silang magsulatan. Nakakowd ang karamihan ng mga sulat, ang maiisip agad na paliwanag dito dahil mukhang hindi nagugustuhan si Jose ng nanay ni Leonor, kahit na noong una pa man, at sa panig naman ni Jose, iniiwasan niyang makarating kay Leonor ang patsismis-tsismis at patukso-tukso ng kanyang mga kapatid na babae kapag bumibisita siya kay Segunda. Sa yugtong ito, masasabing higit ang pagmamahal ni Leonor kaysa sa nararamdaman ni Jose para sa kanya. Nagkaroon si Jose ng espesyal na ugnayan sa maraming babae. Samatalang tunay nga siyang naakit kay Leonor, tumatayo lang siyang pinakauna sa iba. Noon lamang bago siya umalis na may isang di-malamang bagay na nagpahigpit at magpasidhi ng kanilang ugnayan. Para ba itong batong urian, ang gayuma nito tumalab pagkaalis na pagkaalis niya, sa sandaling iyon nagkapuwang na si Leonor bilang “ang babae sa kanyang buhay”. Sa kanyang paglisan, nag-iwan siya ng maikling tula ng pamamaalam, na hindi niya magawa ng personal. 

PAALAM KAY LEONOR
Dumating na yaong sandaling malupit, 
Tadhana ng palad na sukdol ng pait, 
Heto na, sa wakas, ang araw at saglit 
Ng paghihiwalay ng puso ta’t dibdib. 
Paalam, Leonor ko, paalam na ako 
Pusong sumisinta’y lalayo na sa iyo 
Paalam, Leonor, paalam buhay ko 
Oh! Luksang-pag-alis, ay! Anong saklap, oh!

Habang si Jose ay nasa Europa (1882-1887) 
Sa mga buwang sumunod, masasabing napunta sa kasunduan ang kanilang pagsusulatan, simula noon nagsumpaang hindi maghihiwalay batay sa mga isinulat na pangako. Sa litratong ipinadala niya noong magdidisais si Leonor, sinulat niya, 

‘Kay Jose mula sa kanyang matapat na pinsan’

Sa baba noon, nakakubli sa kowd, inilagay niya ang tunay na paglalaan: 

‘Sa di-makakalimutan at pinakamamahal na mangingibig, inihahandog itong litratong ito mula sa kanyang tapat na Leonor’.

Tuluy-tuloy ang pagsusulatan nila habang si Jose ay nasa Europa. Tila malalambing, mapagmahal at masayahin naman ang mga liham ni Leonor; pero mula sa kaibigan ni Joseng si Chenggoy na isa sa kokonting nakakaalam kung ano ang damdamin niya kay Leonor, nalaman niya ang katotohanang naapektuhan ng kanyang paglisan ang kalusugan ni Leonor. 

Nahuhulog na siya nang husto, ang iyong kasintahan, epekto walang duda ng 
kung anuman bumabagabag sa kanya. Siyang nananalig na ngayon lang siya 
nakakaranas ng ganitong pag-ibig, nagsasakripisyo para sa lalaki ng 
kanyang puso, at namamalas na sa halip na dumating ang masayang wakas, 
ito’y matuling umaalpas-anong puso ang hindi matitinag ng gayung kalagayan? 
- Chenggoy (Jose M. Cecilio)




No comments:

Post a Comment